THE PAK WALA AKONG MAISIP NA TITLE HAH! GANDA NG DRAWING KO NOH STORY
![]()
This happened a while ago..
Alam kong tungkol samin yung agenda, but im afraid of what he's ACTUALLY going to say because if hearing him say those words simply means letting him go id rather be deaf than be gifted with ears. It rained. Soundtrip kame habang may redhorse. Nakatambay sa kwarto ko. Sa kalagitnaan ng soundtrip namen, pinatugtog ko yung track 6 sa cd ni teban kase favorite ko yun sabay higa sa kama. Nasa kama din yung friend ko, magkatabi kami ng ulo pero yung katawan nya sa right side tas ako sa left side, "O ano nang sasabihin mo?" nagisip pa sya kung pano nya sasabihin tapos bigla nyang hinirit yung secret nila ng bestfriend ko na matagal ko nang tinatanong, yung agenda nga. NAGULAT AKO!!! "ako? baket ako? lasing ka lang.." wala akong masabi, hindi ko alam kung pano magrereact-- hindi daw sya lasing. Habang nagsasalita sya ayokong maniwala kahit parang totoo kasi nakatatak na sa isip ko yung totoong gusto nya na alam ko namang kahit kelan imposibleng maging ako. Hayy.. sana alam din nya yung akin, wag na nga lang-- nakakahiya. Ayun, tuloy parin sya sa pagsasalita.. ang dami kong nalaman. Unti-unting nabuo yung mga pinagtatatanong ko sa kanya dati na ayaw nyang sagutin. Pagkatapos nyang magsalita tinanong ko sya kung may gusto ba syang tanungin.. (sana lang tanungin nya yung gusto kong sabihin) err.. wala daw. tinanong ko ulit kase kailangan nyang malaman. Pak.. hindi nya masabe yung gusto nyang tanungin. Pagkalipas ng mahabang tulalaan sa kisame, tinanong nya sakin kung gusto ko din ba sya (haha buti nalang tinanong nya) sandale.. bakit hindi ko masagot??? Grabe ang tahimik kase hindi ako nagsasalita, sabay tapos narin yung tugtog. Gusto ko na sanang sabihin kaso ayaw lumabas sa bibig ko.. hindi ko rin alam kung pano kaya bigla din akong naiyak. Buti na nga lang at hindi nya nakikita kase parehas kaming nakahiga. PAK! hindi ako makapagsalita, dinaan ko nalang sa pagkain ng vcut at paginom ng redhorse para umurong yung luha. Pinalipas ko muna yung iyak.. onting subo, onting nguya, onting inom, onting hinga, "sobra.." ayan nasabi ko na.
alex - vera -
nono -
yna - caturs -
may -
karel -
jong -
egay - jinx - ketie - kate - diyes - posero -
yuumi - dave - gerson - ralph -
khen - tabs - melai - tehlai - soleil -
mykel - guiliano - ellen -
dre -
mr.d -
johnlloy - chiq -
elize -
peter -
peter (ulet) -
lica - charles -
niknok -
kc - kevin -
harvey -
tiff -
elle - trish - weird spaghetti - demented vixen - samurai
files -
ie - marc - migz
- ituloy ang sulong

Designer-littleGREENman'
Image-jonburgerman.com
so far tao na ang naligaw dito..
WAW!!!
KAIBIGAN!