SM NORTH
Nagpunta kami ni tabel sa school kasi may aasikasuhin kaming dalawa.. pagkatapos namin tignan yung schedule for summer classes at chaka hanapin si senora guerrero dumaan kami ng recto para tumingin ng earrings. O e di yan nakabili na ng earrings, since pupunta sya ng makati at wala nakong mapuntahan naisip ko na pumunta nalang ng SM NORTH pampalipas oras. Pinara nako ni tabel ng jeep at tuluyan na kaming nagkahiwalay. Sa loob ng jeep, nagtext ako kay alex na pupunta ako ng SM north. Nagulat nalang ako kase nung malapit nako sa SM, parang nagiba yung ichura ng daan.. PAK!!! bat dumaan sa Quezon City Hall?!?! nawawala ata ako.. Nagtext ako ulit kay alex kase feeling ko nawawala ako.. iba yata yung napara saking jeep ni tabel. habang tumatagal lalong lumalawak yung daan.. tinignan ko kung nasan na kami COMMONWELT daw tinignan ko din yung mga kasabay naming jeep.. SM FAIRVIEW. haha taena ngayon lang ako makakapunta ng SM FAIRVIEW.. taenaa talgaa.. sa dami dami ng SM na alam ko sa SM fairview pako mapapadpad.. pwede namang sm megamall, sm cubao, sm north... pero ayus na din yun kaysa naman sa sm bicutan haha. Untitunti nang nagbababaan yung mga pasahero. Nung 2 nalang kami sa jeep, pinababa kami nung driver, sa susunod na jeep nalang daw kami sumakay (great.. now what?!) buti nalang pala at sa SM din ang baba nung nakasabay kong manong. Sabay kaming pumara ng jeep at tinuloy ang byahe papuntang SM. Nung nasa SM na, pinababa nako nung dalawang pinagtanungan ko. Grabe ang haba ng pila sa entrance ng SM! kaya naman pala.. sale kasi. Nung nakapasok nako, nagpasundo ako kay alex kase hindi ko talaga alam pauwe.. (aww salamat!!!) hahaha taena talagaaa.. sm fairview..
alex - vera -
nono -
yna - caturs -
may -
karel -
jong -
egay - jinx - ketie - kate - diyes - posero -
yuumi - dave - gerson - ralph -
khen - tabs - melai - tehlai - soleil -
mykel - guiliano - ellen -
dre -
mr.d -
johnlloy - chiq -
elize -
peter -
peter (ulet) -
lica - charles -
niknok -
kc - kevin -
harvey -
tiff -
elle - trish - weird spaghetti - demented vixen - samurai
files -
ie - marc - migz
- ituloy ang sulong

Designer-littleGREENman'
Image-jonburgerman.com
so far tao na ang naligaw dito..
WAW!!!
KAIBIGAN!