Y
Sunday, April 24, 2005
FREEDOM BARhinila ako nila rejine at nono sa gig nila aves kagabe dapat talga hindi ako pupunta kasi kahit gustuhin ko wala naman akong pera. poverty pare ni pang autoload nga hindi ako makabili eh kaya isang malaking HUWAW ang pagsama ko nun. Hindi ngako nakapagpaalam ng matino kay erpats kase nung hapon binawi ko yung paalam ko sabi ko na hindi nako sasama ayaw din naman kase nyako paalisin eh tapos nung mga magbabandang 9pm na nagtext ako na papunta nako ng freedom bar haha gulo. grabe alas diyes na hindi pa kami nakakaalis ng bahay ni rej, naligo pa kase sya at nagayos kaya kumaen pa kami ng oras tapos ayun nagkitakita kami sa condo nila nono grabe ang suplado parin ng kuya nya at sumakay na kami sa kotse papuntang pureedambar. SKA ang tugtugan.. yus! yus! ang dami namen dun haha ang kulet ni faren kala ko isnab sya hindi pala. mataray nga daw ako eh kase hindi daw ako namamansin pag nagkakasalubong kami sa ust hehe. nagsimula na kaming kausapin ng kuya ni nono at nung friend nya, lasing na kase puta ang kulet nangungulet muntik pa maarbor ung earings ko buti nalang parehas kami ni rej tinuro ko yung sa kanya kaya ayun nakuha haha! ang gago nga eh kasi nung una hindi pala alam nung kuya ni nono yun pangalan ko tapos kinausap ako ang sabe..
JODY: April.. *kalabit* diba April ka?
AKO: HA??? hinde March ako.. (may plano pang sabihin yung date ng bday)
JODY: Hinde.. dba April pangalan mo?
GAIL: Ahh.. haha sira GAIL pangalan ko!
pagkatapos ng gig sumakay na kami sa taxi (ako, nono, rejine, kuya ni nono chaka yung friend ng kuya ni nono) tapos hinatid si nono sa condo ayaw pa nila umuwi kase ihahatid daw kami tapos nung asa timog na kami niyaya kami sa starbucks kaya dun kami bumaba. ayun tumambay, uminom ng frap, nagbarahan tapos iniwanan ko na sina rejine at jody (kuya ni nono) sa table kase gusto kong makausap si alex. si marvin naman (friend ni jody) humiwalay din. alas sais yata kami umalis dun kase tinetext na si jody ng mami nya pinapauwi na. tumambay muna kami ni rej sa president tower at sa mcdo hanggang 7 tas uwi ng bahay. pumunta sa bahay nila rejine para magpakita sa mami nya tapos pumunta sa bahay ko para makita "SANA" yung dadi kong alam kong asar sakin ngayon.. shet nga e nakadalawang movies na kami ni rej hindi parin sya umuuwi gademet. kaya umuwi na si rej nung mga 12 at kumaen nako ng lunch. mukha akong sabog.. wala pakong tulog since kahapon sakit pa ng tyan ko kase ang dami kong pinagiiinom na kung anu ano.. miller, miller na may coke, san mig pale, coke, frap haha kinakabag na nga ako ehh.. pero pramis tamang inom lang.
Gail @ 11:21 PM