Y
Monday, June 13, 2005
MERIS
Ang aking eskwelahan o kung tatawagin sa mas kilalang pangalan, ang Saint Mary's College Quezon City ay isang istriktong paaralan na ginagawa ay kanilang makakaya para hubugin ang mga kabataan na maging isang truly cultured marian. Sa mahigit apat na taon kong labas-pasok sa mga gates ng paaralang ito, marami rami naring mga alaala ang aking naaalala :)
Nakasaad sa ibaba ang mga terminolohiya na madalas ay gamitin ng mga estudyante sa SMCQC
SMC: 'Saint Mary's College Quezon City' pwede rin itong tawaging "MERIS"
MERIS: tawag ng mga tamad na "MARIANS" sa kanilang paaralan. Impratikal nga naman kasi dahil masyadong mahaba ang St Mary's College QC
MARIANS: tawag sa mga estudyanteng taga "MERIS"
MADAM/MADAMME: tawag sa mga gurong babae o kaya mga taong babae na nagtatrabaho sa "MERIS"
DAM: tawag kay "MADAM" kapag namimili sya ng tatawagin para sa recitation. Ito ay sinasabi kasabay ng pagtaas ng kamay at atat na pagtayo. Hindi lang ito "DAM" pwede rin syang tawaging "DAM! DAM!" o di kaya ay "DAM! DAM! DAM!"
BEADLE: class officer na walang pagod na nagmamanman kung sino ang present, absent o kaya ay "TARDY"..sila rin ay nagmamanman ng mga walang id o di kaya ay wrong uniform. Isa rin sila sa mga may karapatang mang-"UA"
UA: Tawag sa mga "MARIANS" na walang excuse slip sa kanilang pagkaabsent, walang Id o kaya'y wrong uniform. Ito ay nangangahulugang 'Unexcused Absence'
TARDY: ako yun. *haha* tardy simply means "LATE" hinahatungang "TARDY" ang isang "MARIAN" kapag sya ay wala sa kanyang klase at nagsisimula na ang "MORNING PRAYER" o kaya ay tapos na ang recess/lunch at naabutan nang nagkaklase si "MADAM" nang dumating ito sa classroom
JUKEBOX: sounds sa "MERIS" kapag malapit na mag "MORNING PRAYER" kapag narinig mo na ito bilisan mo na maglakad at baka ma-"TARDY" ka.
MORNING PRAYER: dasal na sinasabi pagkatapos ng "JUKEBOX" at bago mag flag ceremony.
DD: 'DEAN OF DISCIPLINE' kabahan kana kapag pinatawag ka dito.. dahil sa lugar na ito dinadala ang mga estudyanteng may nagawang mali. Kayo ay magkakaroon ng heart to heart talk ni "MADAM" Dumaliang at asahan mong kinabukasan ay magha-heart to heart talk din sila ng ermat at erpats mo.
MADAM DUMALIANG: gagandahan ko ang definition nito baka ma"DD" pako.. haha. si madam dumaliang ay... ang dean of discipline sa "MERIS" *haha safe*
MADAM CORPUZ: they are 3 and they come in different sizes... there's small, medIUM and LARGE. Si "MADAM" Corpuz (small) ay ang nagaasikaso ng mga activities at kung ano ano pang nangyayari sa school. Sa kanya lahat napunta ang trabaho na sakit sa ulo. Si "MADAM" Corpuz (large) eh isa sa mga favorite teachers ko.. dahil nagtuturo sya ng English/Journ. Di ko pa nakakaengkwentro si "MADAM" Corpuz (medium)
AIRCON BUS: Bus ng "MERIS" na ginagamit lamang sa mga piling okasyon na pinamumunuan madalas ni "MADAM CORPUZ" sinasakyan ito ng mga "MARIANS" na VIP kapag fieldtrip, competitions, retreat at kung ano ano pa.
AIRY BUS: Bus ng "MERIS" na ginagamit DIN sa mga piling okasyon PERO hindi kayo ang VIP. Marami itong butas-butas na squares para habang naglalakbay kayo ay malasap nyo ang sariwang usok ng maynila.
LAWA SA 4-MATULUNGIN: ewan ko naririnig rinig ko lang to pero sa aking pagkakaalam ang lawa na ito ay ang bahang pumapasok sa classroom namin kapag may matinding ulan. Kapag nakikita ng aking mga kaklase ang lawang ito, sila ay bumabalik sa kanilang pagkabata.. either sila ay hahakbang hakbang sa lawa at iniiwasan ang tubig o di kaya ay magpapaandar ng mga bangkang papel na nililinis naman ni "KUYA PIOLO"
KUYA PIOLO: janitor ng "MERIS" na kamukha ni Piolo Pascual. Makikita mo sya na nagwawalis walis ng corridor pero hindi sya naglilinis ng "CR" dahil iba ang tiga linis nito.
CR: palusot ng ibang "MARIANS" sa "BEADLE" kung gusto nilang mag cutting classes. Dito rin sila madalas tumambay despite of the VERY 'IMPRESSIVE' SMELL. Nagsisilbi din itong daan para maglabas ng sama ng loob (kaaway o di kaya ng kinain) siguraduhin mo lang na may kasama ka pag pumasok ka dito dahil dito din 'daw' lumalabas ang legendary ghost na si "MARY CHERRY CHUA"
MARY CHERRY CHUA: legendary ghost sa "MERIS" na hindi naman talaga nagmumulto. Madalas syang maikwento ng ibang teachers kapag wala kaming ginagawa o di kaya kapag "HOMEROOM"
HOMEROOM: oras kung saan ikaw ay pwedeng tumulala.. magpakabait ka lang dahil ikaw ay ginegradan dito. Iwasan mong sumigaw at magsabi ng "P%&!*!#N*" kung ayaw mong magkaroon ng mababang marka sa card.
P%&!*!#N*: salitang napakahalaga sa mga "MARIANS" eto ay nagsasaad ng iba't ibang emosyon.. pwede itong gamitin kapag ikaw ay nagkkwento, kapag masaya, malungkot, nasugatan, nabilib, galit, nagbibiro, nalilito o kaya ay sobrang init tapos mahaba ang pila sa "MADONNA" at gustong gusto mo nang bumile.
MADONNA: isa sa mga canteens ng "MERIS" ito ay isang lugar kung saan ang mga "MARIANS" ay nagtutulakan at nagsisiksikan para lang makabile ng pagkain kagaya ng "YAMPO MEAL"
YAMPO MEAL: kanin na may toyo, onting carrots, onting gulay, onting baboy at maraming vetsin para sa mga taong gutom na gutom na at bente pesos nalang ang pera o di kaya ay para sa mga taong nagiipon pang gimik sa nalalapit na "PROM"
PROM: dalawang bagay lang ang nangyayari dito.. either ikaw ay natutuyuan na ng mata at halos dumikit ang pwet sa silya dahil wala kang date o di kaya ay nasa dance floor at malamang, sumasayaw. Ang mga "MARIANS" na pumupunta dito ay kagulat gulat na nagiging beauty o kaya ay nagiging beast dahilan sa make-up. Karamihan ng mga fourth year ay nagbabalak na hindi umattend dito dahil sayang ang perang pang "GRAD BALL" nalang sana
GRAD BALL: Ito ay ginaganap pagkatapos ng graduation. Malamang eh pagkatapos ng okasyon nato, hindi na nila magagamit ang ilan sa mga terminolohiyang nakasulat sa taas.
Gail @ 8:17 PM