Y
Friday, July 01, 2005
CRYING DOESNT MEAN YOURE GAY
Napakaunfair talaga kapag naoffend ka ng isang tao at sya pa ang may ganang maasar sayo kasi naoffend ka sa sinabi nya. Tapos makakarinig ka pa ng mga side comments gaya ng "Anu ba yan! ang OA mo naman.." pero kailangan ba talaga nilang mag-aksaya ng panahon para mag isip pa ng ganon imbes na magsorry nalang sa kasalanang nagawa!? kung iniisip nila na immature ang taong madaling umiyak isipin mo nga kung tama nga ba yang ginagawa mo at tignan natin kung sinong mas immature sating dalawa.
Ang problema kasi sa society natin ngayon masyado nating gine-generalize ang lahat ng bagay sa mundo. Hindi lahat ng taong madaling umiyak ay immature for your information. Hindi rin lahat ng pumapasok sa garahe ay kotse, hindi lahat ng nasa paaralan ay mga guro at estudyante at hindi lahat ng pumupunta sa simbahan ay nagsisimba. Para sakin walang masama sa pag-iyak, e di para mo naring sinabing bawal magsuka kapag na-food poison ka which is hindi mo naman mapipigilan. Sabi nila, masama daw na iniiyakan ang problema. Pano ka nga naman matututo kung iiyakan mo lang sya maghapon? BAKET? sino bang maysabing iiyakan ko LANG sya? malamang gagawa ako ng paraan para masolusyunan yung pinoproblema ko diba. Kahit taong tanga mag-iisip ng solusyon kapag may problema sya. Ang pag-iyak na ginagawa ng isang tao ay paraan lang para ilabas ang nararamdaman nya. Hindi tayo binigyan ni God ng luha para wala lang.. ginagamit yan.
Gail @ 9:53 PM