Y
Thursday, September 01, 2005
Ang tagaaaaaaal kong hindi nakapagblog hahaha!!! kaya eto mamili nalang kayo ng kwento:
*ANG LIBRE NG BURGER KING
*NG DAHIL SA UNDERWEAR
*MGA ASO SA BARBWIRE
*UST SCANDAL
ANG LIBRE NG BURGER KING
Pumunta ako ng BK basta di ko na kasi matandaan kung kelan eh.. basta last week ata tapos umorder ako sa counter, eh yun asa counter that time sya ATA yung nagbabantay ng mga staff ng bk kase iba yun damit nya tapos habang nagoorder ako sabi nya sa kasama nya na nagbubura ng mga nakasulat sa flyers: Jing! mali.. bat mo binura yun price?! hindi kasama yun price!!! ako na nga jan.. e di nagswitch sila, yun babaeng nagbubura na yun nasa counter tapos umorder nako eh yung order ko mga P29 lang so dapat may sukli akong P71 eh pagkakarinig ko P75 yung sukli ko kaya nakatingin lang ako dun sa sinukli sakin kase twenty, fifty at piso lang yun sinukli eh dapat P5 yung barya tapos bigla nyang sinabi: Miss.. P71? tapos natauhan ako sabi ko: Ah.. ok. Pagbalik ko ng upuan.. nagkwentuhan na kami ni alex.. paglagay ko sa wallet ko nung money: Teka.. bat dalawa yung P50 ko? lalalala..
NG DAHIL SA UNDERWEAR
Pumunta kami ng gateway ni alex last sunday tapos dumaan kami ng alimall kasi bibili ako sa penshoppe ng underwear.. eh sinabi ko na sa kanya before na layo muna sya sakin kapag bumili ako. Tapos nung pumipili nako, bigla syang tumabi saken kaya sabi ko: bat andito ka? alis ka muna dito tapos after ko bumili hindi ko na sya nakita sa loob ng penshoppe hinanap ko pa sya hanggang 3rd floor tapos nung nakita ko na sya pumunta kami sa cd shop para tumingin ng cds. Eh may gusto akong game, ipapatanong ko sana sa kanya dun sa tibo na nagtitinda kung anong klaseng game ba yun eh mukhang may sumpong kaya di bale nalang. Naasar kaya ako bigla kase di ko alam kung bakit bigla nalang syang naging ganon kaya sabi ko umuwe nalang kame. Eh di tuloy tuloy yung lakad ko hanggang sa terminal ng jeep. Sa terminal ng jeep sabi ko sa kanya umuwi na sya eh ayaw pa nya umuwi.. tapos basta natapos yung usapan namin na nasa cubao parin ako pero hindi ko na sya kasama. Sa cubao bumalik ako sa alimall para bilin yun cd, gulat ako kase nakita ko syang papalabas ng alimall kaya nagtago ako. tapos nung tumitingin nako ng cd bigla akong tinawag nung tibo na kausap namin kanina sabe: Excuse me miss! may pinabibigay sayo.. wah kala ko binili ni alex yun cd hahaaha! letter pala. ayoko pa nga basahin nung una kase maiiyak lang ako hehe. Pagkatapos ko bilin yung cd hinahanap ko na sya sa paligid. gusto ko na sya makita para makapagsorry ako. badtrip kaya! kase may nakita akong guy na kaparehas na kaparehas ng soot nya nung araw na yun! nirvana na black tapos naka-maong ahahaha!!! twice ko pa nakasalubong.. kala ko sya na. naglakad ako hanggang terminal ng jeep tapos umuwi na. Bago pala ako nakauwi, nagtext ako sa kanya na sabe ko:
"sna d nlang tau ngsama kung mgkkagani2 lng pla.."
Tapos nabasa ko yun mga replies nya nung nasa bahay nako.. basta madami tapos sabi nya na sumunod daw sya sakin sa alimall, may ibibigay daw sana sya kaso hindi na nya ako nahabol tapos sabi pa nya:
"d2 prin aq s cubao.. ngbbkskaling mkita.. mbgay q lng xa. sbihin m lng kun gus2 m p xa.. pra seo kc toh.. kung ayw mo xa sbihin m lng at maiintndihan q.."
tapos tinanong ko kung babalik ba ko ng cubao ayun, pinababalik nya ko.. maghihintay daw sya sa may atm centre ng gateway. Pero bago ako bumalik eh madami pang pinagawa sakin sa bahay.. nagpatulong sa infrared yung pamangkin ko tapos pinaglunch pako kaya matagal akong nakaalis ng bahay. Tapos pag dating ko sa atm centre nakita ko syang nakatayo.. WAAH! grabe ang tagal nyang nakatayo dun! tapos nung magkausap na kami sabi nya sorry.. sabay abot nung rose na nakatago pala sa likod nya. Nagulat ako! haha! sabi ko sorry din. naluluha nga ako nun eh kaya ayoko tumingin sa kanya tapos pagtingin ko nagpunas sya ng mata nya.. aww. cute nya kaya! hahaha! haay.. ng dahil sa underwear.
Btw, eto yung flower na binigay nya.. seryoso. hahaha! shet ang ganda ng pagkakuha ko!!! lalala..

MGA ASO SA BARBWIRE
Naglagay ng barbwire sa labas ng bahay namin kasi lumalabas yung dalawang aso namin sa kalye, si japs chaka si minti. Nakakaawa nga kasi ilang beses na silang nasasabit sa barbwire eh. Basta nalaman ko nalang isang araw na nasabit si japs pagkauwi ko galing school. Tapos kinabukasan narinig ko nagkakagulo sa labas, yun pala sumabit naman si minti kaya tinawag yung dad ko para alisin sa barbwire yun aso. yung mga kapitbahay nga chaka yung mga dumadaan nanood na kasi sobrang nakakaawa! Tapos nung kinabukasan naman ng madaling araw nagising ako kasi narinig ko nanaman na umiiyak yung aso. Ang tagal ko pa ngang bumangon kasi sobrang inaantok pako nun chaka kala ko wala lang tapos pagsilip ko sa terrace nagulat ako kase nasabit NANAMAN si minti! eh di ginising ko yun dadi ko tapos bumaba kami para tanggalin yung aso.. sobrang tagal kaya namin dun. mga 30 minutes nang nakakalipas hindi parin sya matanggal kasi galaw sya ng galaw, kaya yung barbwire lalong bumabaon sa balat nya. tapos nakita ko tagos na sa balat ni minti yung barbwire! WAAAH!!! eh hindi na pwedeng igalaw ng dadi ko yung aso para matanggal sa barbwire kase pumapalag na sya sa sobrang panic kaya lalong bumabaon sa balat nya mahirap na tanggalin. Kaya yun wala na kaming choice pinakuha nya ko ng kutsilyo eh hindi kinaya ng kutsilyo kaya pinakuha nya ko ng pliers tapos ginupit nya yung balat nung aso. ayun naalis din. ang laki ng tuklap ni minti nakakaawa.. haaay. tapos galit na galit yung dadi ko habang tinatanggal si minti.. sabi nya: hindi ko naman idea to eh sino ba naman kasi nagisip nito kawawa naman yung mga aso tinatali ko na nga lang dati para hindi makalabas kaso pinapakawalan naman ng mga maids.. mamamatay sila dito eh! Tapos paguwi ko galing school sabi ko sa mga maids na galit yung dadi ko kase tinatanggal nila yung tali sa aso dati.. ang reason naman nila kase sinisira daw ng aso yung semento kungsan sila nakatali chaka iyak ng iyaknakakaawa. sabi ko: hello!? mas mabuti na yung sinisira nila yung semento kesa naman nasasabit sila sa barbwire noh.. chaka kung naaawa sila na nakatali sa aso.. hindi ba mas nakakaawa kase araw araw nalang silang nasasabit sa barbwire?! gademet. Tapos kaninang umaga sabi ng dadi ko nasabit nanaman si japs sa barbwire.. this time nasugatan din yung dadi ko ANG LAKI SOBRA. hindi na nga nya nagamot kase naubos na sa aso yung betadine.. nakakapangalala kaya! mamaya matetano yun.. Balak ko talagang sabihin sa tita ko yung nangyayare dito sa bahay kase WALA SYANG IDEA! sya pa naman tong nagisip na barbwire yung ilagay para hindi makalabas yung mga aso.. kaya paguwi ko ng bahay, sinabi ko sa kanya na nasugatan yung dadi ko sa barbwire katatanggal nung asong sumabit NANAMAN. I was expecting na ipapatanggal na nya yung pinakabit nyang barbwire kasi masyado nang delikado sa mga aso at sa tao pero alam nyo ba yun reaction nya? wala. ngumiwi lang (kasi narinig na malaki yung sugat ng dadi ko) tapos sabe: Hayaan mong masugatan yung mga aso!

UST SCANDAL
Mahaba-haba yung break namin kase tuesday yun. Biglang namention sakin ni Kennedy yung about sa UST SCANDAL, sabi nya pinanood daw nila yon sa cellphone ni delia last week. What's more interesting about it is that sabi kasi, na yung girl dun eh isa sa mga kaklase namin na irreg.. kaya hinunting ko talaga si delia para mapanood yung video! nung nagkita kami ni delia sabi nya nabura na daw nya yung video ipapasend nalang daw nya ulit kay princess (classmate din namin) kase sa kanya galing. Eh nakita ko bigla si princess kaya dun ko nalang pinanood. Sa video malamang nagsesex sila nasa top yung babae tapos mejo sinakal yung leeg nya sabay shot ng mukha tapos yung huli pinalo sa butt. Ang bilis kasi nung video kaya paulit-ulit namin pinapanood kasi tinitignan namin kung sya nga. Oo.. kamukhang kamukha nya. sobra. yung hair, yung katawan, yung complexion lalong lalo na yung mata.. iba kase yung mata nya eh, maganda. Yung iba, talagang convinced na sya nga yun pero kami may doubts parin kung sya talaga kasi may angle dun na hindi nya kahawig sa chin.. ah! ewan! FYI pinanood namin yung video nung subject before nung sbj na kaklase namin sya haha.. shet. Tapos nung papasok na kami sa room kung san namin sya kaklase, nakita ko sya grabe iba yun pakiramdam ko.. alam mo yun? yung pakiramdam na may alam ka sa kanya na hindi nya alam na alam mo. Kinausap ako nung girl about sa tour kung sasama ba daw ba lahat ng kaklase ko tapos sinabi ko na hindi nga blahblah.. Tapos etong mga katabi ko mukhang mga gago kase hiniram yung phone ni princess sabay pinanood nanaman.. tigas nga eh kase nasa likod lang namin sya nung time na yun. Tapos pinaguusapan pa nila na "Kalat na kaya sa kabilang section yun video.." Habang nagkaclass, mukhang gago si Kathy sa likod kase nagpaparinig sya na may manlalaglag nanaman sa classroom namin pagkalipas ng ilang minuto kinalabit ako nung "girl" tapos may inabot na paper sabi nya pakipasa daw.. eh makikibasa sana si Mariano (yung katabi ko) bigla nyang sinabi "Ah.. ok sorry. please read it alone pala..hehe." lumingon ako sa kanya kasi hindi ko alam kung kanino ipapasa tapos sabi nya: "sige basahin mo.." e di inunfold ko na yn papel sabay basa:
"Ako ba yung pinaparinggan nila na manlalaglag? kasi kung ako yun, hindi ako yung nasa scandal.. Please reply honestly"
Nagulat ako! wah! pero since hindi naman talaga sya yung pinaparinggan e di sabi ko:
"Hinde. hindi ikaw yung pinaparinggan. kase kanina may pinatawag na 7 sa faculty na na nagcheat DAW nung prelims pero hindi naman tapos according dun sa prof namin na yun, meron nga kaming isang kaklase na nagconfirm na talamak daw ang cheating sa section nato kaya nagpaparinig si kathy ngayon dahil sa sobrang asar nya dun sa manlalaglag.."
Tapos nagreply nanaman sya! wah! haha.. sabi nya:
"Pero napaguusapan ba sa section nyo yung UST scandal? kasi hindi talaga ako yun. handa akong magsalita sa buong class para iclarify.."
Nablangko ako sobra. di ko alam kung anong irereply ko!!! on the spot kase! sabay reply ko:
"Ewan ko nga eh. basta ang alam ko eh last week pang napaguusapan yan dito sa classroom pero kung gusto mo iclarify, kausapin mo yung kung sinong meron ng video para iclarify un side mo"
WAAAAH!!!! mali! tanga mo gail. "ewan-ko-nga-eh" hahaha! tanga. tapos mali pa yung suggestion.. pero yun nga hindi na sya nagreply after nun tapos nakita ko nalang na nagkkwentuhan na sila nung friend ni princess. Tapos basta ang sabi nya hindi daw sya yon.. lalalala... ewan.
Gail @ 12:30 AM