Y
Monday, October 10, 2005
HOLD UP
Sinundo ako ni Alex sa UST after ng class ko tapos sumakay kami ng jeep papuntang cubao. Nung nakasakay na, as usual naghaharutan nanaman kame tapos sa sobrang pagod tumigil ako makipagharutan. Napansin ko bigla syang tumulala sa ceiling ng jeep, eh di ako naman si sunod kung san sya nakatingin, wala namang matitignan dun kaya tinanong ko sya "Ok ka lang?.." Inalis ko yung kamay ko sa kanya tapos paghawak ko ng kamay ulet nya sobrang basa na sobrang lamig hindi naman sya eh pasmado.. Nagaalala na talaga ako sa kanya kase mamaya hinaheart burn na sya o kung ano.. kala ko nga natatae sya eh. Tapos nung nasa may E Rodriguez na kame natulog muna ako pero bago yun tinanong ko ulit kung ok lang ba sya, seryoso hindi talaga nya ko tinitignan! mejo naasar pa nga ako kase sabi nya wag kaw akong maingay.. rar. E di yun nga natulog nako.. paggising ko, dun parin sya nakatingin!!! wah! anu na kayang nangyayare sa kanya??? nagsisimula na talaga akong magalala kase mamaya kung ano nang nararamdaman nya ayaw lang nya ipaalam. Nung nasa Cubao na kami, nagbabaan na lahat ng tao ewan ko kung bakit hindi parin kami bumababa. So ang tao sa jeep.. ako (sa may pintuan sa dulo), si alex, 1 lalake, 2 magboyfriend at saka yun lalake sa may pintuan din na katapat ko. Bumaba na yung lalake na katabi ni Alex tapos umurong sya gitna..
ALEX: (pabulong) "lipat ka sa dulo.." (hindi parin nakaalis yung tingin nya sa celing)
(e di umurong nanaman ako sa dati kong pwesto sa may pinto)
ALEX: "ANO KA BA?! halika nga dito!" (sabay hila sakin papunta sa gitna)
GAIL: "ANO BANG PROBLEMA MO!?" (nagsisimula na maasar)
ALEX: "WAG KANG MAKULET!" (hindi parin tinatanggal yung mata sa ceiling)
GAIL: (napatingin sa lalake na katapat kanina)
Namutla talaga ako sobra kase nakita ko yung lalake nasa loob ng bag yung isa nyang kamay! Tapos nung lagpas isetan na kame, bumaba na yung 2 magboyfriend. Pinasabay ako ni Alex sa kanila tapos si Alex yung huling bumaba. Pagbaba ko ng jeep SOBRANG nanlambot talaga yung tuhod ko kala ko mahohold-up na kame. Tapos pagbabang pagbaba ni alex umiyak ako kase natakot ako eh! HAHAHA!!!! Hindi pala sya nakatingin sa ceiling, nakatingin pala sya dun sa mata ng lalake kase daw pinapakiramdaman daw nya kung ano yung gagawin. Nung pagsakay palang namin nakatingin na daw sakin yung lalake eh ayaw nya ni Alex yun kaya tiningnan nya kung nakabukas ba yung buttons ko, yung skirt ko etc eh hindi naman daw.. basta naiirita daw sya kase daw tingin ng tingin yung lalake tapos nung nasa EDSA na biglang nilagay nung lalake sa bag yun isang kamay nya. Hindi parin inaalis ni alex yun tingin nya sa lalake hanggang sa makababa kami ng jeep.
sabi ko pa nga pagbaba namin ng jeep habang umiiyak ako "Kala ko natatae ka kaya malamig yung kamay mo.."
Waah.. buti nalang talaga hindi kame na-hold up.
Gail @ 1:25 PM