Y
Thursday, November 24, 2005
BWISET!!!!!
Nakakainis yung mga maid dito.. maliban sa hindi sila mautusan, ang kakapal pa ng mukha! palibhasa masyado na silang kampante lalong lalo na saken kase hindi naman maid ang turing sa kanila dito. basta, hindi na ko sila pinapansin ngayon, punong puno nako. HELLO!? minsan na nga lang ako mag-utos nagiinarte pa. Kaines. halos bigyan ko na sila ng pera at pamasahe nun chaka ako na yung gagawa ng ginagawa nila ayaw paren. Sabi nga nung friend ko, "anu ba yang mga katulong nyo, hindi mautusan!"
Tapos kase kahapon, umuwi ako ng bahay ng maaga si Alex kasi hapon pa uwi nun eh. Tapos yung maid naming isa yung bago nasa phone. Nakareceive ako ng text galing kay Alex na kesyo uuwi na daw sya pero wala syang pamasahe kase P2.00 nalang pala yung natirang pera nya kaya sisimulan na daw nyanglakarin (from Trinity hanggang Kamias yun ah!) hindi na sya nakapagtext ulit kase wala na syang load nun. Eh wala rin akong load kaya hindi ko sya mareplyan. Sasabihin ko sanang magpasundo nalang sa sakin o kaya dumaan sya sa bahay.. HELLO?! LALAKARIN NYA YON!? ang layo kaya.. Tapos eh di nakauwi na sya ng bahay, alam mo ba kwento? Tumawag daw sya sa bahay bago sya umalis ng school. Yung Jing yung nakasagot. Sabi ni Jing sa kanya na SANDALI LANG kase call wait lang si Alex. Edi naghintay si Alex.. naubos na yung isang minuto kakahintay hindi parin sya binabalikan kaya naghulog pa sya ng barya.. (FYI: last piso nya) akalain mo nga namang naghintay sya dun hanggang sa nagbusy yung line! Kaya pala sya tumawag kase magpapasundo sana sya kase wala na nga syang pamasahe. PAKSHET TALAGA!!! Sana hindi nalang nya sinabing "Sandali lang.." kung gusto pa nyang makipagtelebabad. Kaya yun, nilakad ni Alex pauwi ng bahay. Nakakainis. Minsan na nga lang magpayphone yung tao ganun pa yung nangyare. Hindi ko alam kung tanga ba sya at may instructions naman yung callwait-slash-matagaaaaal na syang gumagamit ng telepono dito pero hindi parin sya marunong gumamit kahit nasagot nya yung callwait at hindi lang nya trip balikan yung tumawag saken. Pero pag ako yung nakakasagot ng callwait nila nagmamadali pakong ibaba yung kausap ko sa kabilang linya eh noh.. galing. Ang masaklap pa dun, wala man lang sinabing na may tumawag saken. bwiset.
Gail @ 6:02 AM