Y
Monday, November 21, 2005
MALAS!
Kumain kami ni Alex ng lunch sa *bleep* tapos after namin kumaen dun narin kami nagreview ng mga itetest namin bukas. Habang kumakain ako ng lunch akalain mo nga namang may buhok na nagpapahinga sa kalagitnaan ng buritto na kinakain ko?! yakness. Dapat nga magcocomplain ako nun sa counter para bigyan ako ulit ng bago since paubos na.. HAHA!!! kaso sabi ni Alex tanggalin ko nalang daw. Andun kami nakatambay hanggang gabi kase refillable yung drinks kaya kahit isang buong araw kami dun eh hindi kami mauuhaw. EH ANG DAMI KONG NAINOM-- eh di punta ako ng cr para umihe. Shempre after mag cr kelangan mong maghugas ng kamay dba? Nakapagsabon nako't lahat tapos magbabanlaw na sana ako ng kamay, AY GRABE AKALAIN MO NGA NAMANG NAWALAN NG TUBIG. lumabas ako ng cr tapos sinubukan kong maghugas dun sa sink sa labas.. WALA DIN!!! sabi naman nung babae sa counter nung pinuntahan ko inaayus na daw yung tubo. galing. Tinry narin namin ni Alex sa cr ng guys pero kagaya nga ng sabi ko, wala rin tubig. Eh nadaanan ko yung machine ng cola, naisipan kong kumuha ng maraaaaaaming yelo para pang hugas ng kamay eh kaso sobrang lamig eh chaka lalong dumami yung bula sa kamay ko kaya tinapon ko den haha! sabi naman ni Alex tutunawin daw nya yung baso ng yelo dun sa hand dryer tapos ayun astig natunaw nga! haha! kaya yun nalang pinanghugas ko! yehey!
Pagpatak ng mga 7pm, nagkayayaan nang umuwe. Kinukulit nya kong ihatid sa bahay eh.. ayoko kase gabi na chaka baka hanapin na sya sa kanila.. basta natapos yung usapan na ihahatid nya ako sa bahay. Sa jeep, dun kami nakaupo sa dulo malapit sa pinto. Una palang nakikita ko na yung lalake sa harapan ko na tingin ng tingin samin.. nakakainis! e di tinignan ko din sya. Pagtingin ko dun sa kamay nya, unti-unti nyang binubuksan yung zipper tapos isasara ulet. Kala ko nga nung una nilalaro nya eh. Bigla kong naalala ko dati muntik na kami mahold-up ni Alex sa jeep tapos nasa loob ng bag nung holdaper yung kamay nya. Sabi ko kay Alex bantayan nya yung lalake sa harapan ko. Nung tumagal lalo akong natakot kase kapag hindi ako tumitingin sa kanya, unti unti nyang binubuksan yung zipper sa bag nya.. tapos kapag tinitignan namin, nagtutulug-tulugan na halata naman! Basta yung sobrang nanlambot ako nung time na may dudukutin sya sa likod ng pants nya pero buti nalang hindi nya tinuloy.. Kaya sabi ko bumaba na kami ng jeep. Tapos yun bumaba na kami.. pero sobrang malaaaayo sa bahay yung binabaan namin kaya nilakad pa namin hanggang bahay. Mas mabuti na yun noh! hahaha!
Gail @ 8:09 PM