Y
Tuesday, December 06, 2005
ANOTHER EXHIBITIONIST
Kanina late nako nagising, tapos nagiinternet pako habang nagpapatuyo ng buhok e di expected ko na late na late nako. 7 ang pasok ko dapat eh kaso nakaalis ako ng bahay ng 6:30 at nakupow grabe ang traffic pati! e kelangan ko pa naman ng extra 1 hr kase 1 hr ang byahe. Nung nasa kalagitnaan na kami ng Espana, akalain mo nga namang tumirik yung jip na sinasakyan ko! WAH! MALAS! ngayon pa! kung kelan WALA NAKONG TARDY kumpara sa dating araw araw! so ayun, e di pinagbibibigyan na kami nung driver ng pamasahe para makalipat sa kabilang jip. E di baba ako sabay sakay sa unang unang jip na nakita ko, dun din sumakay yung mamang nakasabay ko sa jip na bulok. Naupo ako sa dulo, dun sa may labasan. Tapos yung mama nakaupo sa left side ko.. tabi kame. Actually, tatlo lang yung taong nakaupo sa side ng jip namen WEWAN KO ba kung baket ayaw nyang umusog sa gitna.. Yung mama, mag dala dalang plastic, galing ata sya ng palengke eh. Tapos nakita ko yung daliri nya mejo parang may nilalaro. Naisip ko: pucha mamaya nagmamasturbate tong mama sa tabi ko.. tapos pagtingin ko WAH OO NGA! basta lingon pa sya ng lingon sakin nun eh! kaya ginitgit ko talaga yung sarili ko dun sa kaduluduluhan ng upuan ng jip eto namang si manong ginigitgit ako lalo.. DBA NAKAKAINIS!!! Tapos nakakatakot sobra kase nanginginig pa yun tuhod nya tapos parang kinikiskis nya yung legs ko sa kanya WAH! dapat nga sasabihin ko na pucha ang luwag luwag ng jip wag nya kong gitgitin kaso baka saksakin ako bigla nun! gago. Pababa na sana ako ng jip pero bigla nya kong inunahan. basta badtrip kadiri. panglima ko na to.

Gail @ 1:17 PM