Y
Saturday, March 11, 2006
R.I.P RANDALL ANTOLIN
Grabe ang tagal ko na palang hindi nakapagblog. kulang nalang alikabukin yung mga entries ko
Malungkot mang sabihin, ang rason ng pagbablog ko ngayon ay dahil sa pakikiramay kay Randall Antolin. School mate ko sa Meris (SMCQC) at sa UST na nabaril sa P.Noval nitong March 4 lang.
Ganito kase yon.. maaga akong natulog nung Mar. 4 nagising lang ako ng mga 11:00pm para umihe. Ang sarap na sana ng tulog ko ng basahin ko yung text Djames na "Please pray for the soul of randall antolin, he was shot at P.Noval just this evening.." Akalain mo nga naman nawala antok ko. “di nga? Seryoso?” sabay basa ng message ni Nono na ganun din yung laman. Shet. Seryoso nga.
Saturday yun eh. Kaya kinabukasan… NSTP namen, sinundo ako ni Alex. Inaya nya ko sa P.Noval kase gusto namin hanapin yung SPOT ni Randall. Nagtanong tanong pa nga kami sa mga tao dun eh.. mga dalawa sila pero di daw nila alam. Hanggang sa may tinanungan kaming matandang tindera sa tindahan…
ALEX: "Excuse me po, may nabalitaan pobakayong nabaril dito kagabe?"
MANANG: “Oo daw.. nakwento lang sakin ng isang studyante eh. DUN! Dun sa may dulo!" (sabay turo sa kanto ng P.Noval at Espana)
AKO: "Mga anong oras po nangyare yun?"
MANANG: "Di ko sigurado eh.. mga 10 ata.."
11:00 ko kase nareceive yung message eh.. baka yun nga.
E di naglakad kami ni Alex dun sa sidewalk ng P.Noval habang nakatingin sa baba. Habang naglalakad, may nakita kaming parang color dark brown sa semento na kasing lawak ng platito.. tapos may footsteps.. yung tipong naapakan sya..
AKO: “Shet Alex! Eto na ata!” *scared*
Dinutdot nya pero hindi pala yun kasi hindi sya dugo.
E di lakad pa kami papunta sa dulo ng P.Noval tapos may nakita nanaman kaming kasingkulay nung nakita namin kanina kaso ngayon naman kasinglaki sya ng plato. As in MALAKI talaga. Eto naman mejo weird kase may mga strips ng newspaper na sunog chaka mga matchsticks na gamit na. Anyway, etong si Alex ang weird kase nilabas nya yung baon nyang tubig sabay lagay dun sa malaking color dark brown na ewan tapos kumuha sya ng matchstick na nakakalat don tapos hinalo nya yung tubig.. bumigat talaga yung pakiramdam ko kasi nung pagkahalo nya yung dating tuyot na ewan naging kulay maroon. Ayun. Nakita na namin ang SPOT ni Randall..
Nung gabi hindi ako makatulog sobra.. ang bigat sa pakiramdam na nakita mo yung spot kung san sya namatay. Basta mabigat. Pagkatapos ko makita yun, buong araw ko inisip kung san sya nanggaling.. anong iniisip nya.. pano sya napunta sa spot na yun... ewan basta madami..
Tapos yun… nagpunta kami sa burol. Niyakap ko mami nya. Tapos yung kaklase ko na kakambal nya, si Tracy niyakap ko din. Di ko pwede yakapin si Kyle eh baka magalit si alex hehe.
Shempre burol.. anjan na yung kwento.. eto yung kwento samen ng dadi nya,
Kakatapos lang daw maginternet ni Randall sa may PNoval malapit sa Copytrade. Nagpaalam pa nga sya sa dadi nya kung pwede bad aw pumunta sa party kasi bday ni Jayson kaso hindi daw sya pinayagan. Habang naglalakad daw sya sa may P.Noval, may nadaanan syang Kotse chaka motorcycle. Bigla daw syang hinoldap, target yung cellphone na hawak hawak nya. Tapos tumakbo sya sabay binaril sya. Tumama yung bala sa likod nya pero takbo parin sya. After 5 meters, bigla syang napaluhod tapos napadapa. Di nga alam kung nanlaban pa daw si Randall kase may hiwa sya sa pagitan ng index finger at middle finger eh.
Badtrip nga kase wala man lang tumulong sa kanya, malamang may mga tao na nakakita dun kaso inassume kase kaagad na patay na sya kaya hindi na ginalaw ng mga tao chaka nung mga tanod. Hinintay nalang daw nila yung mga Pulis. And to make things worse, alam nyo bang ang Pulis station sa lugar nay un eh wala pa nga atang 10 metro ang layo sa crime scene?! Bwiset.
Dinala yung body ni Randall sa UST hospital..unconscious sya pero may pulse, After ilang sandali namatay na din. Kung may tumulong lang dun sa tao at sinugod na nila ng maaga e di naagapan pa sana sya.
Nung nandun na kami sa burol, may nakita akong nakapatong na chocolate bar sa ibabaw ng kabaong nya.. malamang favorite na chocolate ni Randall yun... MALI.
Sabi ng dad nya, may prof daw sila Randall na tuwing may nakakaperfect ng exam binibigyan nya ng prize. Kaya yung chocolate bar na nakita ko, yun pala yung prize ni Randall sa exam nya.
Ngayon yung libing ni Randall. Hindi ako nakaabot kase nalate ako ng dating at hindi ko alam kung sang lupalop ko hahanapin yung Forest Park.…sorry..
R.I.P Randall Antolin.. ill pray for you. Promise.
Gail @ 7:14 PM