Y
Sunday, April 02, 2006
HABEDEBEY GAIL (march 25th entry sana)
shet 19 nako. parang kelan lang feel na feel ko pang pagsalitain sila Barbie at Ken na parang mga casts ng koreanovela. Actually, last yr sinubukan ko ulit maglaro kasama yung mga pamangkin ko, wala lang. feeling ko lang naman mukha akong tanga. haha. Ganun pala talaga kapag tumatanda na no? may mga bagay na dati ginagawa mo na hindi mo namamalayang kinukupas na ng panahon. Eto nga pala yung iba sa mga natatandaan kong nangyare sakin sa loob ng 19 na taon
0 - *fetus?
1 - *since photographer si erpats, sinamantala nya ang pagkuha saken ng maraaaaaaming pictures
2 - *ganun din
*namaster ang sining ng vandalismo sa pamamagitan ng pader at crayola
3 - *nagenroll ng ballet class sa SM Cubao dun sa may foodcourt
*nawili sa mga sasakyang de-token sa SM katulad ng elepante at oso (na sa totoo lang e taas baba taas baba lang naman talaga ang galaw)
4 - *nursery
*nakilala ko si Rejine, kapitbahay namin na naging kalaro, bestfriend (at kainuman ko pa pala balang araw)
*nadulas sa silya at nasugatan ng pako sa baba na bumaon ng malalim
5 - *grumaduate ng nursery (AWARD: most friendly)
*nag-aral ng kinder at isa sa dalawang paborito ng teacher namen
*nagkaron ng first cras na pangalanan nating Patrick Dionisio
*nanay ng 3 little kittens na kanta nung parents day program
*unang beses tumae sa school HAHAHAH!!!
6 - *prep
*dumating sa flag ceremony ng late at kulot NA.(yung mga kaklase ko nga ginagalaw galaw pa yung buhok ko habang naglulupang hinirang.. jahe)
*nagkaron ng minor sugery dahil sa mga kagat ng ipis
7 - *grade 1
*galing boracay. pagpasok sa skool tinutukso nila akong negra kase sunog na sunog na SUNOG talaga ako.
*nakilala na isa sa mga pinakaexperto sa larangan ng ten-twenty
*nagka-dengue
*namatay si ermats, cancer sa colon.
8 - *grade 2
*may seatmate ako na takot sa sinigang na baboy kaya kapag yun ang lunch ko hinahabol ko sya bitbit bitbit yung sinigang at doon ko nalaman na hindi pala kumakain ng baboy ang mga muslim.
(patawad..)
9 - *grade 3
*nakilala ako na isa sa mga pinakamabilis tumakbo na babae sa buong batch
*pero butas ang kamay sa volleyball.. hehe!
10 - *grade 4
*isa sa mga batang kumanta sa Araneta Coliseum na hanggang ngayon hindi ko parin alam kung baket.
*inawardan ng best in filipino, english at most artistic sa classroom
*member ng choir sa skool
*leader at champion sa Arnis competition
*first time makipagsuntukan at malamang unang babae sa batch namin na nakipagsuntukan sa lalake
*humihiram hiram ng gitara
*niregaluhan ng sergs ng 2 kong kaklase na hindi ko naman tinanggap
*nagdalaga..
11 - *grade 5
*nakipagsuntukan nanaman pero sa ibang lalake
*pinlanong magbanda na pinangalanan naming "Cyclone"
*pinalabas ng titser dahilan sa sobrang paglalaro ng softball nung recess
*nagsimulang maggitara sa skool
*may manyak kaming kabatch na tumatawag sa bahay na ayaw na ayaw kong makasalubong kase namamalo ng pwet
12 - *grade 6
*kamuntikan na hindi makagraduate kase napatawag sa guidance ng 2 beses na ikinagalit ni erpats.
*hindi pinapasok ng tatay ko ng matagaaal na panahon
*sinimulan gumawa ng tula
*nakilala si Baron
*nagkagusto.. at pinigil.
*first time naregaluhan ng stuffed toy
*sawakas graduate din! may awards kaso nakalimutan ko na
13 - *1st yr
*new student sa St. Mary's College QC
*naculture shock
*most artistic daw sa klase sabi ng teacher ko
*rhythmic gymnastics champion
*nakilala si Ched pero ayaw ko syang kausap
*hinabol kami ni Rejine ng exibitionist (yung mga lalakeng nagmamasturbate sa kalye)
14 - *2nd yr
*nakilala ko si Vera
*tumutugtog kami sa congressional kung san nasira si "first gitar" kase gumulong ako dahil nagpreno yung jip ng malakas
*nagkaron kami ng band nila Vera at Jane pinangalanang POWERPUFFCORNS ng mga taong nakatugtugan namin pero hindi naman namin talaga kilala
*walang tigil na pinapagsplit ako ng mga kaklase ko nung nalamang marunong akong magsplit
*nagaudition at nakapasok sa teatre (theatre's club sa school)
*naging 'close' kami nung/ni Ched
*nagbakasyon sa australia
15 - *3rd yr
*may cras akong kaklase na itago natin sa pangalang Andrew Hernandez
*prom namen, sabay kami ni Rejine pumunta (remember? yung kalaro ko 10 yrs ago)
*gumawa ng tula tungkol kay Madam Uba na pinagpasapasahan ng buong klase habang naglelecture sya ng chemistry
*nagkagirlfriend at naging tatay na si Baron
*kinasuklaman si Ched
*namatayan ng cras
16 - *4th yr
*nakilala si Nono
*nagkaron ng banda kasama si Nono, Nersha (etc) at tumutugtog every after school sa condo nila Nono
*nagcompose ng maraming kanta
*dinrowing si Madam Sagum, teacher namin sa algebra, na pinagpasapasahan nanaman ng klase
*naging club officer
*Na-suspend sa dami dami dami ng tardies pero hindi ko alam na suspended pala ako nung araw na yun
*grumadweyt ng highschool
*umattend ng gradball at nakasayaw yung cras ko (si Andrew Hernandez nga..)
*nakilala si Alex
17 - *1st yr college
*naging bridge ni Alex sa girl na gusto nya
*naging close kami ni Alex
*nagaral sa UST
*naculture shock lalo
*nagsulat ng poems LALO
*nagkaron ng first boyfriend na itago natin sa pangalang Alex Lapuz :)
*pinaginitan ng 2 profs
18 - 2nd yr college
*namatayan ng schoolmate (yung namamalo ng pwet nung elementary)
*humagulgol ako ng sobra sa harap ng tita at ng tatay ko for the first time ever kase pinaghihiwalay kami ni Alex
*18th bday ko! haha! dami kong pera!
*bumili ng cellphone na hindi alam ng tatay ko
*namatay si Randall, nabaril ng holdaper sa UST :(
*hindi parin makaadapt sa college life.. college environment at college friends
*pinaginitan nanaman ng dalawang profs na naging isa sa mga dahilan kung bakit nireshuffle yung batch namen (pero ibang profs naman)
19 - *3rd yr college
*nasira na yung phone na binili ko.. fairness.. tumagal sya ng 1 taon na hindi nalalaman ni erpats
*hindi parin makaadapt sa college life, college environment.. at college friends
*mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal parin si Alex kahit anong mangyare
*sinusulat ko ngayon tong blog entry na to.
At since bday ko naman.. hayaan nyo nakong magpost ng mga pics.
nextime.
Gail @ 5:34 PM