HAIRCUTKahapon, humingi ako ng pera kay erpats pampagupit. Binigyan nya ko ng P100 eh kulang.. kaya napagdesisyunan kong magpagupit nalang dito sa may amin. Pumunta ako sa may pagupitan ng alas-tres (kase may lakad kami ni Alex ng alas-kwatro.) Sabi nung babaeng nagpepedicure, P60 daw yung gupit (Ok lang.. kung ikukumpara mo nga naman sa going straight, P120 pag nagpapagupit ako dun plus tip) hintay lang daw ako. E di naghintay ako, sabi ko pa nun "Ang tagal naman lumabas nung gugupit saken.." Ok na sana kaso nung tapos na yung babae sa pinepedicuran nya, sabi nya maghintay lang daw ako kase mas nauna daw dumating yung lalakeng katabi ko. Nung kinukutkot na nya yung paa nung lalake, naisip ko
"Teka.. SYA BA ang gugupit sa buhok ko??? waah.. sana hindi sya.." habang pinapanood kong lagyan ng baby oil sa paa yung lalake at minasahe ng minasahe.
"Kung sya ang gugupit saken, sana maghugas muna sya ng kamay bago nya ko gupitan.. ayokong magkaron ng libag ng paa sa buhok! waah.." Nung patapos na sya sa lalake, nagtext si Alex, tapos na daw yung klase nya kita na daw kame sabay tawag saken nung babae kase gugupitan na daw nya ko. Inexplain ko dun sa babae yung gusto kong gupet, dinala ko pa nga yung digicam ko para ipakita sa kanya yung picture eh. Nung ginugupitan na nya ko, hindi sya mapakali.. nanginginig nga ako kase feeling ko hindi nya alam yung ginagawa nya..
AT HINDI PALA TALAGA. Explain ako ng explain sa kanya pero hindi nya gets!!! sumingit na nga yung may-ari para iexplain dun sa babae yung gupit na gusto ko pero no luck. Halatang asar na sya, ako naman natatakot na (waah! buhok koo!!!) Balak pa nyang gawing ganito yung buhok ko,
may onting bangs daw sa ilalim na diretso tapos may bangs na patagilid sa ibabaw.. (HELLO???? tiga 21st century kaba? Alien ka ata eh!) tapos inexplain ko sa kanya na patagilid lang yung gusto kong bangs,
dinemonstrate ko pa sa buhok ko. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dun kase nahahalata nilang amPANGET nung gupit saken (pramis.. sana ako nalang gumupet kase ganun din magiging kakalabasan! libre pa.) Pagkatapos nyang paglaruan yung buhok ko, sinuklay suklay nya sabay slight na
BATOK (WTF?!?!?!) tumayo nako at nagpunta dun sa may-ari para magbayad, ang sabi nya
"Ano, nakuha ba yung gupit na gusto mo?" sabi ko
"Hindi po.. di bale na" sabay bayad, tapos sabi nya habang may soot na sorry face
"Tsk.. tsk.. wala kasi ngayon yung asawa ko eh sya yung tiga gupit talaga.." (alam ko.. sya nga yung hinihintay ko eh) Pucha.. gusto ko nga sabihin
"Magbabayad pa po ba ko?" buti nalang mabait yung may-ari at hindi ko na sinabe. Pag-uwi ko ng bahay.. WAAH!!! BUHOK KO!!! (huhu) sabay pony tail. Nung kinagabihan, sinumbong ko sa erpats ko yung nangyare, actually labag sa loob nya na magpagupit ako kase against yun sa relihiyon nya kaya malamang nagalit sya saken bat daw ba kase ako nagpagupit pa e okay naman daw yung buhok ko.. (ok ba yon halos magmukha nakong sirena?!) tapos sabi nya
AKO DAW ANG MAY KASALANAN. wtf. dun nga ako nagpagupit kase ang alam ko, dun nya ko gustong magpagupit IF EVER. Ayaw nya kase sa going straight kasi daw malayo kaya nga nya ko binigyan ng 100 bill para hindi kasya sa going straight eh. Malamang MAS magagalit sya sakin kapag pinaayos ko yung buhok ko bukas kase MAS iikli sya. Kaya yun.. kelangan kong mag-withdraw sa ATM bukas para mapaayos ko yung buhok ko kase ayaw na nya akong bigyan ng pera (wala pa namang laman yun.. below maintaining balance na pag nag w/draw pako.) Alala ko dati nung bata ako, napaglaruan din yung buhok ko galit na galit yung mama ko nun! pinagsabihan talaga nya yung gumupit saken. Kaso wala na sya eh, wala nakong kakampi. Hmp! babaeng yon.. sana unti-unting malagas yung buhok nya! bwiset.