Y
Wednesday, May 24, 2006
UPDATES
SWIMMING SA ULAN - nung May 13 pumunta kami sa Bulacan para magswim kase nga bday ng tita ko nung May 8 dbaaa? Yan yung mga araw na may bagyong Caloy e hindi na namin pwede icancel yung reservation sa resort kase hindi pwede kaya nagswimming narin kame. Ayus naman yung weather eh! maaraw kaya! pero minsan umuulan. Ok nga eh.. swimming habang umuulan. Wala rin akong ginawa dun kundi kumaen ng kumaen ng chichirya. Kinabukasan, pinagdadasal kong sumuka para ilabas lahat ng chichiryang kinaen ko.
HENNA - pumunta kame sa bahay nila Chino para magpa-henna kay Gary. HAY SAWAKAS THANK YOU LORD AT NATULOY DIN! ilang linggo na kami nagpaplano magpahenna kaso namomove parati kase hindi pwede si ganyan..may lakad si ganito.. lala. Nagkita kami nila Jane sa Jolibee ng 12:15 (may butal?) para kumaen at ipahiram sa kanya yung Racerback ko. Racerback kase balak nyang magpalagay ng henna sa likod. Pagdating sa banyo, nagbihis na sya.. kaso natagalan kame kase nakalimutan nyang magstrapless na bra kaya nilagyan namin ng sandamakmak na stapler yung strap nya para hindi kita sa racerback. Ok naman.. mejo hindi halata. Eh halos 20++ atang staple wires ang nandun eh. lol. Pag-uwi galing kela Chino, hinabol kami ni Jane ng manyak na nakabisikleta na nakalabas yung YON.
MAY 24?? - may 24 ba ngayon? hindi ko alam eh.. 3pm nako nagising at 4 na ata ako nakapaglunch. Buti nalang hindi ako kinatok ng dadi ko kase kung hinde patay patay nanaman ako sa kanya.. whew! nga lang.. nagtext ako sa kanya ng mga 4pm para tanungin kung alin sa mga ulam dito yung lunch ko.. wrong move. Kaya paguwi nya, nagalit sya saken. haha. btw, kanina sabi sa news ikakasal na daw si Barbie Almalbis sa anak ni Gringo Honasan, i almost cried and I DONT KNOW WHY! haha! well actually i know.. sooooobrang idol ko kase talaga si Barbie and siguro im just happy for her. lalu na nung nakita ko yung engagement ring nya at yung fiance nya.. AYSOS. pero yun nga.. it's really weird for me to cry.. she doesnt even know me! lol. oh well.. ang gwapo pala ng anak ni Gringo Honasan! Aaaay! (Uhh.. Hi Alex.. peace? hehe.)
Gail @ 11:48 PM