Y
Tuesday, June 27, 2006
ANG ASTIG NA TRAFFIC AT ANG MANYAK NA MAMA
GRABE ang traffic sa Espana kanina! buti nalang umalis ako ng bahay ng maaga dahil kung hinde late akong makakapasok TALAGA. Sa kalagitnaan ng napakatagaaaaal na traffic nagulat nalang ako kase nagbababaan na yung mga tao sa jeep. Pati yung tiga-FEU na nakita ko sinimulan na ring maglakad. PUCHA! seryosong traffic na nga to! ang layo pa kaya namen sa FEU! Sa sobrang tagal talaga ng traffic, napagdesisyunan kong gumaya at bumaba narin. Pagbaba ko, nakita ko ang pinaka-astig na nakita ko ngayong araw na to. Akalain mo nga namang kaya pala traffic eh dahil tumigil yung tren sa kalagitnaan ng Espana. Yung ibang tao nga, nagsipagakyatan na ng tren para makatawid sa kabilang side. Nakisiksik ako sa mga taong aakyat na karamihan ay lalake. Kase naman malelate nako chaka nakababa nako ng jeep ano pa bang gagawin ko?? Nagaalinlangan pa nga ako kase baka biglang umandar yung tren eh haha! Nung turn ko na para tumawid sa tren, nagulat ako kase ANG TAAS pala nung akyatan.. SOBRA! tignan ko palang alam ko nang hindi kakayanin ng skirt ko pero buti nalang naakyat ko sya! Sayang nga eh sa sobrang pagmamadali, hindi ko na nakita yung interior nung train kase bumaba nako kaagad. Nilakad ko from Rail Xing hanggang UST. Ang layo nya mehn! Hindi pa natapos dun! pagdating ko sa UST, bumulaga naman ang mga rallyista na nasa tapat MISMO ng dadaanan ko papasok ng school. Grabe nakakatakot makipagsiksikan kase hindi mahulugang karayom sa sobrang dami ng tao! Ayun, nakipagsapalaran ako hanggang makarating ako sa UST Gate ng buo. Langya, gustong gusto ata ako malate ngayong araw na to e.. ang daming kontra.
Nung uwian naman namen, hindi daw ako masusundo ni Alex kaya ako nalang daw sumundo sa kanya. Nung malapit nakong bumaba, may tumabi saking MATANDANG lalake. Nainis ako kase tingin sya ng tingin sa mukha ko! Pagkatapos nun, bigla bigla nalang nyang ginitgit yung legs ko gamit yung legs nya kaya umurong ako para hindi nakadikit yung binti naming dalawa. E may mga sumakay sa jeep, kaya naging mas masikip. Tapos ganun ulit gitgit sya ng gitgit ng legs ko tapos kinikiskis na nya yung legs naming dalawa. Mejo nakasandal pa nga sya ng onte eh! Kung hindi ba naman makapal ang balat sa mukha at nakuha pa nyang tignan kung nakasimangot bako.. NAKASIMANGOT TALAGA AKO!!! gulat nalang ako kase bigla nyang hinaplos yung kamay ko. Hindi na talaga ako nakapagpigil, sabi ko sa kanya "Anu ba yan manong!" nagtinginan yung mga tao samen. Nakakabadtrip pa kase yung tingin nya yung what-did-i-do-look na kala naman nya e uubra. Tapos bumaba nako ng jeep kase nasa Tacobell narin ako. Sabi ko sa kanya "Ang tanda tanda nyo na nga manyak pa kayo!" grabe naiinis ako sobra. Nanginginig ako sa galit pagpasok ko ng TacoBell. Badtrip kase ang manyak nya nakakadire. sobrang tanda na kaya nya.. langya eh hindi na nga ata tinitigasan yun eh! Grabe ang dami dami na palang taong may sakit sa utak. Nakakainis parati nalang.. baket? mukha ba kong mahalay??? :-'(
Gail @ 9:18 PM