Y
Wednesday, June 07, 2006
ANONG MERON SA KWARTO NG ERPATS KO?
Kahapon, doon ako sa kwarto ni erpats natulog kase ginamit nya yung pc sa kwarto ko. Ok na sana eh kase soooobrang antok ako dahil..
1. 5am na ako natulog kase inabangan kong dumating dito sa bahay yung bespren ko dahil galing sya sa gig
2. 6:30 pa nya ako ginising kase pupunta ako ng UST ng 8am
3. Tumambay kame ni Alex, Vera at Elo sa tindahan maghapon.
**Kaya malamang antok na antok ako, pagod na pagod pa! haha.
Sinarado ko na yung pinto, ilaw, at TV dahil gustong gusto ko na talaga matulog. Yung fan naman, tinapat ko saken kase saksakan ng inet dito sa bahay, palibutan ba naman kame ng sangkaterbang yero galing sa mga bahay ng kapitbahay diba. Nung mejo malapit nakong makatulog, napansin kong biglang uminit. Ginalaw ko yung cellphone ko para magka-ilaw, at pagkatingin ko sa electric fan laking gulat ko nalang dahil hindi na sya nakatapat saken! Napaisip ako.. "Nasipa ko ba yung fan?" Feeling ko naman nasipa ko pero hindi ko sigurado. Tinapat ko ulit sakin yung fan at sinubukang matulog ulit. Maya-maya bigla nanamang uminit. "Anu bayan! pucha mamaya hindi nanaman sakin nakatapat to ah.." pagtingin ko ulet Hindi NGA. Inisip ko talagang mabuti kung nasisipa ko ba yung fan pero wala naman akong matandaan. Tinapat ko ulit sakin yung electric fan pero this time nilayo ko na talaga yung paa ko. Yung fan kase, square yung hugis nya, alam nyo ba yung 3D electric fan na square yung shape? ganon. Imposibleng gumalaw ng basta basta yon. Mejo natatakot nga ako kase ako lang mag-isa sa kwarto tapos ang dilim pa sobra. Naisipan ko ulit tignan yung fan "Nilayo ko na yung paa ko ha ewan ko nalang pag gumalaw pa to ulet.." (shet kinikilabutan talaga ako habang tinatype ko to ngayon) Gumalaw ulit yung fan. Binuksan ko yung TV para mejo may konting ilaw kase natatakot na talaga ako, tinext ko pa nga si Alex nun eh sabi nya masyado daw akong paranoid at tinatakot ko lang daw sarili ko. Tama nga naman.. pero pagkalipas ng ilang minuto binuksan ko na talaga yung ilaw kase hindi ko na kaya haha! Imagine, ako lang mag-isa sa kwarto nun tapos tatlong beses syang gumalaw ng halos 45 degrees. ewan.
Kanina, nagpakwento si Alex tungkol sa nangyare sakin kagabe. Sabi pa nga nya.. "diba sinabi mo sakin 666 kahapon?" (Wah! o nga noh? nakalimutan ko) "Hindi ko na nga lang pinaalala sayo ulet kase alam kong matatakot ka.." Pero alam naman naming wala talagang kinalaman yung nangyare sa date kagabe, gusto ko lang ishare yung nangyare.
Gail @ 9:56 PM