Y
Friday, June 16, 2006
SECOND DAY HIGH
hindi ako nakapagpost ng entry para sa first day dahil sa pagod-ness. 7am-7pm ba naman dba???
Nung first day ng klase HAGGARD akong pumasok sa school kase ba naman masyadong mahangin yung jeep na nasakyan ko kulang nalang bagyuhin kame sa loob sa sobrang hangin. Pumasok ng classroom sa fourth floor at sumalubong sakin ang hiyawan ng lahat.. "WOOOOO!" yun pala eh dahil sa bangs ko.. haha langya. Saay hirit ng iba na pumayat ako. pagkatapos namen maghintay (ng 7..8..9..10..11..12..1..) ng anim na oras dahil wala kaming titser sumalubong naman sa harapan ko ang pagmumukha ng titser namin last last sem na syang rason kung baket ako (o kameng anim ata o pito?) na-opis ng wala naman TALAGANG (ows?) kasalanan. Sya lang naman ang napaka-peborit titser kong si Mam Logic. Kung minamalas ka nga naman.. teacher ko sya nun sa logic na ngayon namen e sa English ba? ewan basta prof ko NANAMAN sya (WAH! KHEN DAYA MOOOOOO.. huhu!)
second day high! Pumasok si Sir G. Siya naman ang prof namen sa Law last sem. Peborit ko sya kase magaling sya magturo, astig pumorma chaka mejo "ahaay!" Teacher naman namin sya ngayon sa Convention and Exhibit Management. Sa kalagitnaan ng pagsasalita nya bigla syang nagalit dun sa dalawa kong katabe kase nagdadaldalan sila.. tinaasan pa nga sila ng kilay pagkatapos eh (ang taray!) Pagkalipas ng ilang minuto nagulat nalang ako kase bigla din nya akong pinagalitan. Ang haba nga eh kala ko hindi na matatapos. Sabi nya, "Kanina kapa.. kaninang kanina pa.. KANINANG KANINA PA.." waah nanlamig ako kase ang tagaaaaaaaal. pero nung natapos na ok na! haha. Pagkatapos ng discussion namin kay Sir G. biglang pumasok si Bonjour. Sya si Mr. French, ang teacher namen sa French. Sabi ng katabi ko natatakot daw sya sobra kase nga naman ang laki nya talaga sobra. Pero mabait naman (sana). Tinanong nya kung alam daw ba namin yung pangalan nya.. walang nagtataas ng kamay, tinawag si classmate.. tapos isa pang classmate.. tapos isa pa.. sabay naghuhulaan na ng pangalan. May nagsabi ng Francois.. Mr. French at kung anu anu pa. Biglang bumulong yung nasa likod ko "French Baker.." natigilan sya.. sabay tanong kung sino daw yung nagsabi nun. Hala! Lagot na! nagalit si Mr. French! Putangina naman nitong mga kaklase ko at sakin sila nakatingin. Buti nalang at nalaman nya na yung nasa likod ko yung nagsabi nun. Sabi nya pa nga "Don't joke like that because I don't know you and you don't know me.. dont treat me cheap." Naku! mas okay nakong napagalitan ni Sir G. kesa naman napagalitan ng titser na ngayon ko palang nakilala na naoffend dahil sa hinirit ko sa kanya. Ang hirap ng French!!! hindi ko mabigkas yung letter R.. pero ayus lang kase gusto ko talaga syang matutunan. Btw, Mr. Schmitt Clement yung pangalan ni Mr. French. At ngayon naman ay maghahanda nako dahil may pasok ako ng 1pm.
Gail @ 11:21 AM