Y
Friday, August 11, 2006
GRABE SOBRANG BUSY!!!!!
ok. updates..
Last week 3 days akong hindi natulog, nagkasakit ako nun 2nd day (hyperacidity + lagnat) too bad nasa skool ako kulang nalang magdive ako sa kama.
So anu ano nga bang ginagawa ko at hindi ako natutulog???
UNANG GABE, due ng novel analysis sa Personality Development class nung Aug 4. ginawa ko sya nung Aug 3. Kamusta naman at isang araw ko lang binasa yung nobelang A Separate Peace?? Ginawan ko pa sya ng summary bawat chapter, reaction at recommendation. Tapos malalaman ko nalang na BAWAL pala yung nobela nayun kase 1956 sya pinublish, eh year 2000 and up pala yung pinapabasa samen.. Hanlayo!
Tanong: gumawa ka ba ulit?
Sagot: Baliw ba ko??? hindi nako gumawa ulit. Hindi ko lang alam kung baket ang taas parin ng binigay nyang grade. Baka hindi nya nahalata. hehe.
PANGALAWANG GABE, dun kame sa bahay nila Patrick (classmate) nagstay.. oo NAGSTAY kase hindi naman talaga kami natulog. Gumawa kami ng miniatures para sa souvenir booths namin. Sa sobrang pagod mga 7am na ata yun, umiglip lang kami sandali ni Grace (classmate ulit) pagkagising ko tumawa ako bigla kase nagising akong nakanganga tapos nakatingin sakin sila yuumi at pat (classmates). Malaman laman ko nalang na pinicturan pala ako ni Pat ng natutulog at pinakita kay yuumi. Ang sabi pa nya "Yuumi tignan mo pinicturan ko si Gail na natutulog nakakatakot sya mukhang patay haha!" nakakatakot nga! mukhang naaagnas sa sobrang putla waaah! Dito nga pala ako nagkasakit.. from 1am hanggang kinabukasan na.
PANGATLONG GABE, natulog naman sila Pat, Grace, Aple, at April sa bahay.. natulog kase natulog talaga sila. Handaya. Pero ok lang kase gumawa din kami ng miniature ng booths. Balak pa naming i-paper mache yung iba kaya lumabas kami ni April ng mga 11:00pm at naglibot libot kung san makakabili ng glue at tissue. Sa sobrang walang bukas na tindahan napadpad kami sa Tomas Morato.. (goodluck naman ang layo) bumili kami sa 711 at nagkulang ng P9.00 yung pera namin. Ayun tinawaran ni April yung 711 at nakabili kami ng glue at tissue! yehey! pero.. pero..pero.. sa kasamaang palad hindi rin namin nagamit yung mga yun pang paper mache kase kinulang na kami sa oras. Nung papasok na kami sa school, nag-LRT kami papuntang UST kasi traffic sa espaƱa nung mga oras na yun. Ang dami dami naming dalang gamit nila April at Grace kasi kaming tatlo lang ang nagdala ng mga miniature booths etc. Dahil ayaw namin ma-late, tinakbo na namin yung escalator papuntang LRT station ng Gateway. Nung malapit na kami dun sa mga guards na nagkakapkap nagulat nalang ako kase may narinig akong nabasag sabay sigaw. Habang tumatakbo pala, tumilapon sa kamay ni Grace yung miniature ng souvenir booths na hawak hawak nya.. kaya yun bumalik ako para tumulong magpulot sa gitna ng daanan. Grabe di ako makahinga kakatawa nun kase mukha kaming mga tanga habang nagpupulot ng mga nasirang pinaghirapan namen hahaha! ANG DAMI KAYANG NAHULOG!!! HAHA! langya malelate na kame (P5.00/minute pa naman ang fine ng late) pinapapulot pa samin nung isang guard yung ibang kalat na hindi na namin napulot. Buti nalang tinarayan ni April.. sabi nya "Di nyo ba nakitang nagmamadali kame? wala ba kayong janitor jan!?" Kaya yun late parin kame pero AT LEAST P45.00 lang yung fine na babayaran namen hehe.
Ngayon naman.. prelims namin. Badtrip hindi ko masyadong naaral yung French kagabe dahil minumuta nako sa antok!!! Kaya yun, halos magtinginan nalang kami ng test paper ko kanina. sweet nga nya eh.
Gail @ 3:47 AM