Y
Saturday, August 12, 2006
SUKOB
(by Chito S. Rono)
Kung hindi mo pa napapanood to, malamang lang wag mo munang basahin maliban lang kung wala ka talagang balak panoorin.
Wedding curse sa ingles, ang Sukob ay isa nanamang patunay na ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa proseso ng pagbangon sa larangan ng pelikula. Salamat kay Chito Roño (Direktor din ng Feng Shui) at naka-gawa sya ng isa pang pelikulang hindi sayang sa bulsa.
Nagsimula ang kwento nang umuwi si Sandy (Kris Aquino) at Dale (Wendell Ramos) galing Dubai para magpakasal dito sa Pilipinas. Nalaman nalang ni Kris na ang kanyang kababatang si Helen at ang pamilya nito na nakatira sa tabi ng kanilang bahay ay namatay dahilan sa sunod sunod na sakuna. Sabi ng nanay ni Sandy (na si Boots-Anson-Roa) "sukob" daw ang may gawa ng lahat dahil nagpakasal si Helen ilang araw pagkatapos mamatay ang ama nito. Nang nalalapit na ang kasal nila Sandy at Dale, sunod-sunod na pagpaparamdam na ang nararanasan ni Sandy. Kasama na dito ang mga pangitain ni Joya (Maja Salvador) sa bahay nila Helen. Tungkol ito sa babaeng bagong kasal na hinahabol ng sukob (Claudine Barreto). Sa araw ng kasal nila Sandy at Dale, lalong lumalala ang "weirdness" ng sitwasyon. Nosebleed ni Sandy, patuloy na paglabas ng batang multo pati na rin ang pagkamatay ng dalawa nyang kaibigan na hindi na natagpuan mga katawan sa crime scene. Pagkatapos ng insidenteng yun, sunod-sunod na ang mga namamatay. Hindi na nakita ang mga katawan nila, ang tanging nakikita na lamang sa crime scene ay ang mga ginamit ni Sandy nung kinasal sya (gaya ng belo, kandila..) na hindi malaman-laman kung bakit nandoon. Gaya ni Claudine Barreto, si Sandy ay hinahabol narin ng Sukob.
Maganda ang cinematography ng Sukob lalung lalo na yung mga scenes ni Claudine Barreto na naka-sepia. Hindi masyadong sharp yung kulay kaya hindi masakit sa mata. Onti lang din ang special effects kaya mas nagmukhang realistic yung pelikula kung ikukumpara mo sa mga horror films natin dati na halatang edited.
Effective ang cast nila dahil nailabas talaga ang kanilang mga galing. Maliban kay Kris Aquino na napanood na natin sa Feng Shui at kay Claudine Barreto na halos araw araw naman natin napapanood sa mga tele-drama nun, ngayon ko lang napatunayan na magaling pala talaga umarte si Maja Salvador.
Hindi dahil sa maganda ang Sukob, wala na syang flaws. Gaya ng iba pang horror movies, MEDYO predictable din sya. Yung tipong alam mo na kung kelan lalabas yung ayaw mo lumabas. Sa cinematography naman, may mga scenes na hindi masyadong maganda ang quality-- alanganin ang angle at kokonti lang ang art sa pag-galaw ng camera. Pang-huli at ang pinaka-ayoko, ay yung pagkakatulad nila ng concept ng Feng Shui at ng The Ring.
Overall, maganda NGA ang Sukob dahil kanina pako lingon ng lingon sa likod habang tinatype ko to. Langya.. dumagdag nanaman sya sa koleksyon ng mga iniimagine ko tuwing gabe. haha.
Gail @ 10:17 PM