After 3 1/2 months of preparation, dumating na ang araw na pinakahihintay namen.. ang Convention. Nakakatakot man isipin, 2 araw nalang convention na. Ayus yung room to room campaign namen, yun nga lang sa ibang room, hindi namin na-present ng maayos kase basta hindi maayos. Pero sabi ng marami, astig daw (Oows) haha! Pucha sa dami dami ng pwedeng pagkamalian dun pa talaga sa classroom nila Khen! haha!
Hindi din ako makapaniwala kase napagbotohan ng klase na yung poster na gawa ko yung gagamitin para maging poster ng convention namin. Ngayon, makikita mo syang nakapost kung san san.. sa tapat ng educ bldg, 1st floor hanggang 5th floor, sa mga establishments sa uste pati sa mga likod ng kaklase ko haha!!!
Kanina, nasa bahay ako nila Pat. Kami nila Grace, Yuumi at malamang.. si Pat. Naglagari, nagmartilyo, nagpulupot, nagsara at kung anu ano pang "Nag" ang ginawa ko dun. Umuwi ako ng mga past 11 na, may nakasabay pa kaming "high" ni Grace.. nakakatakot sya.
Napagusapan namin kanina nila Yuumi kung sinong aattend sa convention ko.. since ayaw umattend ng erpats ko at napagusapan naman namin ni Alex na gusto ko syang pumunta, sinabi ko si Alex-- pero di pa sure. Tapos sabi nila..
"kung walang aattend sayo, sinong kasabay mo pauwi?" Aba oo nga noh..
May mass kami ng 9AM bukas sa uste, so by 9 dapat andun na kame.. ang problema, hindi ko pa naibibigay kay Alex yung invitation. Pano kaya sya makakapasok nun? :(
Nga pla.. umattend kami ng convention ng class 3T3 kahapon sa Fernwood. Walangya nakalimutan ko walang aircon nga pala dun ang lakas ng loob kong magturtleneck!!!! nangati yung buong leeg ko sobra kase yung turtleneck ko puno na ata ng pawis.. haha. Pero in fairness.. ang ganda ng concept at design nila. Tapos sumakay pa kami ni Bhuds sa Calesa.. sosyal! Cactus yung souvenir nila.. ayus! yun nga lang mejo dyahe iuwi kase nasa paso sya. Ang malas ko nga nung araw na yun eh.. nakaturtle neck na nga ako sabay sobrang init, nahulugan pako ng cactus sa balikat chaka sa paa. Grabe yung sigaw ko nun. Ikaw ba naman, mahulugan ka ng cactus sa balikat habang nakaupo ka sa gutter. Ang taas pa naman ng pinanggalingan nun.. bumaon sa balat ko yung tusok tusok nya.. wa lang ya.

TARPAULIN SA TAPAT NG EDUC BLDG

TARPAULIN SA MAY GRADE SCHOOL

ROOM TO ROOM CAMPAIGN SA 1ST YR

CAST NG ROOM TO ROOM CAMPAIGN