Y
Tuesday, September 12, 2006
ROOM TO ROOM AT WASAK NA WASAKNag-room to room campaign kami kanina para sa convention namen. Langya.. sa dami dami ng classroom na pwedeng magkamali dun pa sa classroom nila khen.. 3rd yr. Pero ayus lang natawa naman sila eh hahaha. Grabe nakakapagod mag-room to room.. uhaw na uhaw kana pero hindi ka pwedeng umiinom kase sunod sunod na classrooms ang pinapasukan nyo. Mejo natatakot ako sa magiging resulta ng room to room namin kase ngayong araw lang kami nakumpleto kaya ngayon lang kami nakapagpractice ng matino PERO mas kinakabahan ako sa posters/tarp namen kase ako gumawa nun.. haha labo. Nakakainis kasi mejo pixelated sya pero sabi ng nila maganda naman daw. Nanghihingi nga ng isa yung babaeng tiga Jolis eh hahaha. Ayun.. kinakabahan ako sa tarpaulin kase baka hindi maganda yung kalabasan nya..
Umuwi ako ng bahay ng 8pm para magbihis at maligo dahil inaya ako nila dave at erin sa New City food house. Nung pagdating ko dun, pinakilala ako kay RA Rivera na abala sa pag-aayus ng bidyo. Tapos umupo kami sa table.. langya gitnang gitna pa yung unupuan namen hahaha! Dumating sila Ralph.. dumating si Mark Abaya.. Nagulat ako kase nasa tabi ko lang sya. Tinext ko kaagad si Bhuds na ayaw maniwala saken. Pinapanood namin syang interviewhin si Lourd De Veyra (bokalis ng Radioactive Sago) tungkol sa event ngayon at tungkol sa pagkalaki-laking necklace na soot soot ng Mark. Pagkatapos ng interview nila pinatabi ako may Mark para magpicture. Pagkatapos ng picture, bigla nyang hinirit:
MARK: So.. what can you say about my necklace? (hawak yung necklace nya)
GAIL: ...??? !!! (lingon kay dave)
DAVE: I think it's cool (alam kong hindi ganun yung sinabi nya pero parang ganun naren hehe)
Hindi ako nakapagsalita namental block ako.. after nun kinamayan nya ko (ang lambot ng kamay infairness) Tapos bigla nyang sinabing blahblahblah... mtv get spotted (hindi ko masyado narinig basta sa Mtv Get Spotted yung ginagawa nya kase may camera chaka may mic sya na mtv hehe)
Dumating si Ramon.. natatandaan pa nya ko. Nakakatawa talaga sya niloloko nya ko kay dave sinabi pa kay RA hahaha.
Nanood kami ng mga pinoy rock videos (up dharma down, itchyworms etc) tinanong ko kung anong event tong pinuntahan ko.. music video launch pala sya ng wasak na wasak hehe.. Pinanood namin yung video haha astig! :)
Sayang sila Erin late na nakarating pero ayus lang kase mukha parin naman silang masaya eh hehe!
After nun nagpicturan kami nila Jun Sabayton.. Lourd.. chaka Ramon.. tumambay.. naglakad at umuwi na =)
Gail @ 10:29 AM