Y
Friday, November 10, 2006
HAPPY 2ND ANNIVERSARY ALEX!!!!
SAWAKAS, dalawang taon na kaming nagsasama ng piiinakamamahal kong lalake (pwera sa tatay ko) sa balat nitong mundong ibabaw. Ang pangalan ng malas na lalaking eto ay si Ginoong Alexander Samson Lapuz.
Nagkatagpo ang landas ni Prinsipe Alex at Prinsesa Gail sa kagubatan ng 11th Jamboree QC dahilan sa kagustuhang maalayan ng regalo si Reyna Ann na kanyang sinisinta sa nalalapit nitong kaarawan. Nilakbay nila Prinsipe Alex at Prinsesa Gail ang napakahabang karagatan ng EDSA, binalewala ang mga nagraragasang usok na ibinubuga ng mga dragong nagsisipagtakbuhan, at ilang saglit lamang ay nakarating na sila sa kaharian ng Robinsons Galleria.
Pagpasok sa kaharian, sila ay siniyasat ng husto ng mga guardia civil at pagkatapos noon, ang dalawa ay tila mga langgam na walang-lingong likod na nagmadali patungong bilihan ng pillows.
Pagkatapos ng masusi't kuyad kuyad na pamimili kung anong unan ang siyang nararapat, ang prinsipe at prinsesa ay lumakbay sa mamasa-masang kweba ng National Bookstore para hanapin ang mahiwagang pambalot ng regalo ni Reyna Ann. Sila ay nagmistulang bilanggo ng nasabing kweba dahilan sa naaaapakatagal na panahon nilang paninirahan dito. At pagkalipas ng pitumpu't walong bilyong taon ay nakita na nila sawakas ang mahiwagang pink gifraper na ikinatuwa naman ng sobra ni Prinsipe Alex. At muli, nilakbay ni Prinsipe Alex at Prinsesa Gail ang napakahabang karagatan ng EDSA, binalewala ang mga nagraragasang usok na ibinubuga ng mga dragong nagsisipagtakbuhan at ilang saglit lamang ay nakarating na sila sa kaharian ng 11th Jamboree QC.
Pagkatapos ng pangyayaring yon, si Prinsesa Gail at Prinsipe Alex sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay nagsama at magsasama habangbuhay.
Gail @ 1:21 AM